Ang merkantilismo
ang namayaning kaisipan pang-ekonomiya na gumagabay sa mga patakaran ng
maraming bansa sa daigdig noong unang panahon. Isinusulong nito ang kaisipan na
ang kapangyarihan ng isang bansa ay nakasalalay sa dami ng ginto at pilak dahil
sa panahong iyon, nakasalalay ang pamumuno at pagkakaroon ng kapangyarihan ng
isang pinuno sa dami ng ginto at pilak. Naniniwala ang mga tao noon na katumbas
ang yaman ng kapanyarihan. Buwis, butaw at pagpapahirap sa mga alipin ang
nagbunsod sa tao upang magbalak ng rebolusyon. Nagkaroon ng merkantilismo dahil
sa paniniwala ng mga Europeo na may malaking magagawa ang ginto at pilak sa
katuparan ng kanilang mga adhikain. Ang mga naging epekto nito ay napalakas ang
kapangyarihan ng mananakop, nagbigay daan sa pag-aagawan ng kolonya sa bagong
daigdig, yumaman ang Portugal at dinagdagan ang mga produktong galling sa ibang
bansa at itinataas din ang butaw. Nagwakas ang kalakalan sa Digmaang Sibil
noong 1861-1865.
Ayon sa aking natutunan, nasusukat ang isang kapangyarihan ng bansa ayon sa dami ng kanilang ginto at pilak dahil nakasalalay dito ang pamumuno. Ang tanging layunin lamang nila ay magkaroon ng pantay o balanseng pangangalakal na magdadala ng mga ginto at pilak.

Mga Komento
Mag-post ng isang Komento